Wednesday, April 11, 2012

Stay [ story of Ardella and Aaron ]








STAY [ story of Ardella and Aaron ]




--> Ako si Ardella , tahimik , walang pakialam sa mundo , in other words , Emo . Hindi naman ako laging ganito eh , sa totoo lang napaka energetic ko dati , pero dati yun . Simula ng iwan ako ni Kevin , ang first love ko . Pinangako nyang habangbuhay kami magsasama pero sinira niya rin ang pangako niya , iniwan niya rin ako , kaya eto ang itsura ko , BROKEN ...






AFTER 2 YEARS ...


-- Pumunta ako ng palengke para bumili ng mga ingredients ng Tita ko para sa party niya , as usual pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa itsura ko .. pero ok lang yun , wala na akong paki sa kanila .. Pauwi na ako nang may umagaw ng pinara kong tricycle , isang lalaking naka white jersey , BWISIT ! 
"sorry Miss , akala ko kasi walang sasakay eh ." 
"sorry ka jan ? ang laki ko hindi mo ako nakita ?" 
" sorry na talaga , Aaron nga pala" 
"Ardella , nako bahala ka nga jan , makaalis na nga !" ...


   Nakakabadtrip naman yung lalaking yun ! Ang feeling ! Ang layo niya talaga sa ugali ni Kevin na gentleman .. ' hay Kevin ! Miss na miss na kita , nasaan ka na ba ? ... Araw araw kitang iniisip , ikaw lang ang mahal ko , bakit mo ba nagawa sakin to ? '


   Kinabukasan pumasok na ako ng school , nandun sila Mae at si Mark , mga bestfriends kong magjowa , para silang mga Tanga kung mag-away , parang bata . Pero kahit ganun , Love ko sila , mga BESTFTRIENDS ko eh ..
"uy Ardella , bakit lagi ka nalang Emo ? Nasaan na ba yung dating Ardella na masayahin at maayos manamit ?" biro ni Mark . 
"matagal ng wala yun noh ! mukang wala nang balak bumalik .. " sagot ko .
" naku ! if I know babalik yan pag may pumalit na kay kevin jan sa puso mo ." singit ni Mae sabay hampas kay Mark 
" oo nga , speaking of papalit , may exchange student tayo galing Canada , ang dinig ko kakagaling niya lang ng operation sa heart 2 years ago , at dito niya piniling mag-enroll .. " sabi ni Mark 
"wala akong paki" sambit ko ..


   Bilang welcoming committee ako nung hindi pa ako emo , napilitan akong mag welcome dun sa exchange student , wala ako sa mood , pero hayaan mo na , mabilis akong pumasok sa principal's office , nagulat ako nakita ko si Aaron ! Ang bwisit na lalaking nangagaw ng tricycle ko , ang napaka yabang na lalaking nakilala ko ,
" Ardella ? dito ka pala nag-aaral ? " bati niya sakin .
" hindi , hindi sa bahay nyo ako nag-aaral " pambara ko . 
" haha ! pilosopa ka din pala " tawa niya
" ok sabi mo eh , halika na para matapos na ito at makaalis na ako ! "


   Matapos ko siyang ihatid ay nagpunta na ako sa library , ilang saglit pa lang ay nakita ko si Aaron na dumaan , napaka antipatiko niya talaga ! "BWISIT !" 


biglang sabi ko , "shh !" sabi ng librarian , nakalimutan ko , nasa library pala ako .. Nagbasa na lang ako ng novel , nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may naramdaman ako na may tumabi saakin , 
" hi Ardella ! " bulong sakin ni Aaron sabay akbay saakin , 
" ano ginagawa mo ?! bwisit ka talaga ! " tulak ko sa kanya 
" ano ka ba ? nakikipag friend lang naman yung cute na katulad ko eh .. " pagmamayabang niya ..
" oo nga eh cute , parang aso lang " sabi ko sa kanya sabay irap 
" makaalis na nga ! may mahangin kasi ditp eh baka liparin ako ! "


   Pumunta na lang ako sa tambayan namin ni Kevin noon , doon makakapag-isip talaga ako , pag nandun ako feeling ko kasama ko siya , pumikit ako at inalala ko ang panahon na kasama ko pa siya , ang saya namin , inalala ko ang mga oras na nandiyan lang siya ng may yumakap sa akin 
" Kevin ? " sabi ko
" ha ?! sinong Kevin ? ako to " tinulak ko siya 
" ano ba talaga problema mo ?! hindi ka ba talaga sasaya hangga't di mo ako naiinis ? " sabi ko sa kanya , pero di ko apigilan ang luha ko ,
" s-sorry Ardella , di ko alam na may problema ka ,.. " sabi ni Aaron na parang na guilty sa ginawa niya 
" sorry talaga " umalis na siya at hindi na ako kinulit ..


   Ilang araw pa ang lumipas , hindi na ako kinukulit ni Aaron , buti naman ! wala nang asungot ! , napansin ko na lagi siyang pasimpleng sulyap sakin , deadma lang ako , hindi  nagtagal  nag retreat na kami . Maaga kami pinapunta ng school , 7 days ang retreat , pagdating namin sa retreat house ng school nakita ko si Aaron , kasabay pala namin siya . Ngumiti siya sakin , pero hindi ko siya pinansin , nagsimula na ang retreat . Sinabi ng instructor na humanap ng partner na makakasama namin buong period ng retreat . Biglang nagtakbuhan ang mga classmates ko, ilang saglit pa lang may partners na silang lahat ..
" may partners na ba ang lahat ? " tanong ng instructor ,
" wala pa po akong partner !! " 
" wala pa po akong partner !! " sabay naming nasabi ni Aaron ,
"Edi kayo na lang dalawa magpartner ! " sabi ng instructor ,
"P-pero .." .
"Huwag ka na umangal Ardella , partner lang naman eh , di naman kita papakasalan .." sabi ni Aaron ,
"Ok , Whatever .." sabi ko sabay irap sa kanya ..
"Kausapin niyo ang partner niyo , get to know each other , pagusapan niyo about sa buhay niyo ,mga problema , karanasan , LOVE .." sigaw ng instructor ..
" hay nako kadramahan .. " sabi ni Mark ,
" dali na baby ko , magshare ka na :)" paglalambing ni Mae sa bf ..
"magtitinginan na lang ba tayo Ardella ? " sabi sakin ni Aaron ,
" Look , wala akong balak magshare sayo ok ?" sabi ko sakanya .
" Ok , alam ko na kung bakit ganyan ka sakin , sorry na , di ko naman sinasadya eh , alam kong may pinagdadaanan ka , gusto ko Lang mapagaan nararamdaman mo , una pa lang kasi kitang nakita , ang gaan na ng nararamdaman ko sayo , feeling ko matagal na kitang kasama at kilala , yun din ang naramdaman ko ng nakita ko ang poster ng school niyo , gusto ko dun magenroll , feeling ko belong ako sa school na ito ,lalo kong nafeel yun nung makita kita , kaya gusto kitang maka close , pero ang ilap mo , kakaiba ka kasi ,"di lang sa itsura mo na emo , pero feeling ko masayahin ka , makulay , pero parang ikinukulong mo sarili mo ,kaya kung hahayaan mo ko , ibabalik natin ang dating Ardella , yung masaya at masigla , just let me help you ,.. " 
Natahimik ako , ngayon lang ako nakakilala ng lalaking desididong pagaanin ang loob ko , mula nanng mawala si Kevin , si Aaron pa lang ang nagsabi sakin nun , iniwan muna niya ako , akala ko , nadaLa na ,pero laking gulat ko nang inabutan niya ako ng Stressball , "pisilin mo yan para di ka mastress :)"


   Kumain na ng Dinner , tabi tabi ang partners sa pagkain , dinalhan ako ng pagkain ni Aaron , 
"Ok ka na ba Ardella ?" sabay abot ng C2 ,
"Ok na ako salamat sa sinabi mo kanina aa ,sorry din dhil palagi akong nagsusungit sayo ." ngumiti din ako ,
"Ok lang ayan naman pala eh ! may ngipin ka pala ! akala ko wala ! hahaha lagi ka kasing nakasimangot " sabi niya ,


   Nung pinatulog na kami , magkatabi ang kama namin ni Aaron , 
"Ardella , matanung ko lang aa , bakit ka EMO ? broken hearted ka ba ?" bulong ni Aaron ,
"Hay nako , mahabang kwento , pero sige kung mapilit ka , ganito yun , 1st year ako NBSB pa ako nun , pero nagbago ang lahat ng yun nung makilala ko si Kevin , nung una ang saya namin , umabot kami ng 2 years , pero di nagtagal , nagbago siya , naging busy , mailap , namumutla , lalong umiwas siya sakin , pinuntahan ko siya sa kanila pero wala na daw siya , nag abroad , sa sobrang sakit , binago ko sarili ko , pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapaiwan , ayoko nang magmahal dahil baka iwan lang ako , kaya yun , yun ang dahilan kung bakit EMO ako .." nanahimik ang paligid , nagtitigan lang kami ni Aaron , 
"Uy , balita ko naoperahan ka daw sa puso ? " tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan ,
"aa , yun ba ? totoo yun , sa totoo lang dapat wala na ako ngayon kung di dahil sa donor ko ,isa daw siyang student , namatay dahil sa sakit na Liver cancer , sakin binigay ang puso niya , kaya mula noon sinikap kong to live life to the fullest , pinahalagahan ko ang pangalawang buhay na binigay sakin ni Lord , kaya ikaw ang prospect ko , gusto ko bumalik ka sa dati , bumalik ang dating ikaw . teka ano nga pala full name ni Kevin ?"
"Kevin John Yu .." sabi ko habang unti unti na akong nakatulog ...


   Paggising ko isang flower ang nakita ko , may note na nakalagay , "SMILE" , napangiti ako , tinotoo nga niya ang sinabing ibabalik ang dating Ardella , kaya pagkatapos ko maligo , nagbihis na ako , hindi ITIM , kundi ang kulay YELLOW kong summer dress , tinanggal ko ang eyeliner at black lipstick ko , naghilamos at nag light make up , paglabas ko , pinagtinginan ako ng mga kaklase ko , 
"Uy ! Back to Beauty Ardella aa !" Bati ni sir ,ngumiti lang ako , hinanap ko si Aaron pero di ko siya makita , nagulat ako nang may lumapit sa likod ko , 
"Lalo kang gumaganda pag nakangiti ka Ardella ." bulong ni Aaron , 
"Salamat ."


   Makaraan ng ilang araw unti unting bumaling bumalik ang masayang ako , yung Ardellang nawala nang saktan ako ni Kevin. Unti-unting pinunan ni Aaron ang pwesto ni Kevin sa puso ko . Sa bawat araw nagiging close kami , nung huling araw na ng retreat , sinabi ko sa kanyang 
" sana ikaw na lang ang minahal ko " sabay alis .


   Last dinner na ng Retreat , wala si Aaron , sad naman , 'kung kailan last day na wala naman siya ..' sabi ng isip ko , tinatamad ako pumunta sa kwarto namin nila Aaron , nagulat ako sa nakita ko , isang tapaulin na may nakalagay na  Ako na lang magmamahal sayo , akin ka nalang .. Will you be my girl , Ardella? naluha ako sa nabasa ko , 
"Ardella , mahal na mahal kita , sana hayaan mo akong mahalin ka , hayaan mo akong punan ang pwesto ni Kevin " , hinawakan ko ang kamay niya at sinabing 
"Oo Aaron , mahal na din kita , sana wag mo akong iiwan tulad ng ginawa ni Kevin , " niyakap niya ako at binulong 
"Promise , Ardella .."


   Pagdating ng Monday ay masaya akong pumasok sa school kasabay si Aaron , hawak niya ang mga libro ko , sabay kaming naglakad , pero nakita kami nila Mark at Mae , 
" uy kayo na ? parang kailan lang aso't pusa kayo ah ! " sabi ni Mae , 
"hayaan mo na sila Babe , bakit do ba pwedeng magkadevelopan sila ? " pang eepal ni Mark 
"kayo talagang dalawa , lagi na lang joiners ! " sabi ko sabay ngiti , hinawakan ni Aaron ang kamay ko sabay sabing 
" sige guys una na kami , baka ma late pa yung BABY ko eh . hahaha " hinampas ko siya . 
" BABY ka jan ? .. "


AFTER 3 WEEKS ...




   Napadaan ako sa bahay nila Kevin , nakita ko si Tita Shahara , ang mama ni Kevin .
" Tita , long time no see ah ! musta na ? musta na si Kevin ? "
" Iha , matagal nang patay si Kevin , nung panahong iniiwasan ka niya naka chemotherapy na siya noon , ayaw niyang makita mo siyang nahihirapan , bago siya namatay ang sabi niya , ' Mahal na magal kita Ardella ' .. " nagulat ako sa narinig ko , hindi ako makapaniwala , 
"ano po bang sakit ni Kevin tita ?"
"Liver Cancer , idinonate ang mata , kidney at puso niya sa hospital" biglang bumilis tibok ng puso ko , si Aaron , 
" tita anong pangalan ng nakatanggap ng puso ni Kevin ?" 
" Aaron Delos Reyes , bakit iha ? " naiyak ako sa nalaman ko , totoo ba ito ? na ang lalaking mahal ko ay patay na , at ang nakatanggap ng puso niya ay ang lalaking nagbukas muli ng puso ko minahal lang ba ako ni Aaron dahil nasa kanya ang puso ni Kevin ? o minahal niya ako dahil sa totoong dahilan ?


   Pumunta si Aaron sa bahay ,
" hi Babe .. " umiwas ako sa halik niya
" bakit ? may problema ba ? "
" meron ! nagsinungaling ka ! hindi mo sinabing matagal nang patay si Kevin ! at ang puso niya ay napunta sayo .. "
" Ardella , hayaan mo akong magpaliwanag , hindi ko na sinabo sayo dahil hindi naman importante , ang mahalaga ay kung ano ang mgayon , at tayo yun . "
" pero totoo ba yang sinasabi mo na mahal mo ako ? o dahil lang nasayo ang puso ni Kevin ?"
" Ardella , totoo ang nararamdaman ko para sayo , hindi ka mahirap mahalin , mabait ka , at mapagmahal , dagdag na lang ang puso ni Kevin sa nararamdaman ko para sa iyo , pero sa maniwala ka at sa hindi , nagpapasalamat ako kay Kevin dahol binigyan niya ako ng ikalawang buhay , dahil doon nakilala kita , thankful ako dun .. " niyakap niya ako at ibinulong sa akin na " Mahal kita Ardella. Hindi dahol na saakin ang puso ni Kevin , kundi dahil sayo . Totoo ang feelings ko sayo"
" mahal din kita Aaron , pero niloko mo ako , di ka nagsabi ng totoo , patunayan mo  munang worthy ka sa love ko bago ako maniniwala na totoo ang sinasabi mo .." sabi ko sabay alis ...


   Ipinakita nga ni Aaron ang determinasyong patunayan sa aking na mahal niya ako , araw-araw siyang nagbibigay ng rosas pero di ko tinatanggap , lagi niya 


akong sinusundan kapag uwian na para lang masiguradong safe akong nakauwi  .. 


   " sa totoo lang mahal ko naman talaga si Aaron eh , handa na nga ako magatawad , pero di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya " sabi ko kay Mae.
" hay naku ! yun naman pala eh ! pinahirapan mo pa yung tao , baka pag napagod yan magsisi ka , puntahan mo na girl ! " 
sa sinabi niyang iyon , nabuhayan ako ng loob , hinahanap ko si Aaron pero di ko siya makita . Sa bahay nila or sa mga hangouts niya , nasaan na kaya ang 


lalaking mahal ko ? Bigla ko naisip ang hangout namin ni Kevin , baka nandun siya dali dali akong nagpunta dun , tama nga ang hinala ko , nakita ko siyang 


nakaupo ,
" Aaron , nandito ka lang pala " sabi ko sa kanya
" Ardela ? Bakit ? May nangyari ba ? " tanong niya ,
" wala , nandito lang ako para sabihin sayong pinapatawad na kita " sabi ko sa kanya , aalis na sana ako nang bigla niya akong niyakap at sinabing
" salamat Ardella , ikaw lang ang mahal ko , wala nang iba , wala na bang pag-asang maging tayo ulit ? " niyakap ko din siya at sinabing 
" mahal na mahal din kita Aaron "   Hinalikan niya ako at niyakap .










    " EPILOGUE "


Hi ! Ardella here ! salamat sa pag basa sa story namin ni Babe Aaron ! Eto going strong pa din kami , dinadalaw namin lagi ang puntod ni Kevin , nagpapasalamat din ako kay Kevin dahil hanggang sa huli hindi niya ako pinabayaan , ibinigay niya si Aaron sakin , at masaya na kami ngayon ..